

Naniniwala akong ang pagaaral ay parang gulong minsan nasa ibabaw ka minsan nasa ilalim, malaking hamon ang pakikipagsapalaran sa finale ng pagpapakitang turo, simula palang ng pagpasok sa paaralan ay naramdaman ko ang kakaibang klima.
Natuklasan ko ang aking kahinaan sa pakikipagsalamuha sa aking mga kasanggang balikat sa institutusyong aking kinalalagyan, nabatid ko na maraming mga bagay ang kakulangan ko lalo na sa pagsasagawa ng banghay-aralin, magtanong lalo na sa hindi ko alam kaugnay sa asignatura. Sa gitna ng aking kahinaan ay mayroon rin itong katumbas na kalakasan ito ay ang kung paano pangawakan ang kasayahan sa loob ng paaralan, pgbibigay kaasalan sa mga mag-aaral at higit sa lahat ang mabigyan ng sapat na karunungan ang mag-aaral hanggang sa aking kakayahan.
Ang pagtuturo ay hinaharap at hindi tinatalikuran, lahat ng bagay pinag-aaralan maabot lamang ang inaasam.
REFLEKSYON:
“Ang pagtuturo ay paggagalugad isip na walang saggunian ngunit ito ay batay sa kung may pinag-aralan” Isang karanasang gagamitan ng buong katawan maging ang kalamnansubalit kailangan ay mayroong natatagong kaalaman. Ang pagiging guro ay propesyon na masasabing madali, ngunit ito’y hanggang salita lamang ng mga taong hindi nakakaalam. Dugo’t pawis at puyat ang ilalaan bago mu makamtan ang naturang karera. Ang pagtuturo ay ang biswal na kasangkapan na hawak ang kapangyarihan ng kaalaman, aklat at kakayahan ng isang guro.
Sa mahigit dalawang buwang pamamalagi sa mataas na paaralan ng Sagrada Familia bukod tangi at marubdud kong tinatanggap ang karanasang ipinamalas saakin bilang isang gurong nagsasanay ng mga nakapalibot sa mundo ng paaralan. Dahil dito ay nasilayan ko ang totoong kalikasan ng pagiging guro at natuklasan ang mga bagay na maaring maranasan at maramdaman ng isang ganap na guro. Nakakapanlumo man ang aking natunghayan sa aking gurong tagapagsanay noong simula lamang subalit ito ang nagsilbing daan upang ako’y malinang sa bagay na nagmulat saaking musmus na kaalaman sa larangan ng pagtuturo. Ano man ang karunungang dala ko nang ako ay tumungo sa paaralan, ito ay hindi sapat sapagkat walang iba na kaagapay ko sa paghubog nito kundi ang gurong tagapagsanay. Siya ang nagturo kung paano harapin ang hamon na kaakibat ang pagtuturo. Ang mag-aaral na nagbigay saya na naging dahilan ng aking lakas sa pagtuturo araw-araw, bitbit nila ang kagalakan upang sabihin na tangkilikin ko ang karera ng pagiging guro. Sila man ang aking lakas ngunit sa kanila ko naman naramdaman ang kahinaan na sa bawat oras ng pagtuturo ko ay walang sawang pagsusunog ng kilay ang ilaan upang sila ay may maunawaan. Ang mataas na paaralan ng Sagrada Familia ang nagbukas ng aking pananaw na ang kahalagahan ng karunungan ay hindi masusukat kung matalino at kung marami kang alam bagkos ito ay kabutihang loob na taglay maging sino kaman. Kayat masasabing mahirap makisama sa mga taong nakapalibot saiyo subalit makakaraos ito sa kung anu ang ipinapakita mo bilang tao. Maraming panahon na tumulo ang luha ko sa buhay ng pagsasanay sa pagiging guro, hindi ako sumuko dahil alam kong may mga mag-aaral na naghihintay saakin upang maibahagi ko ang kaalaman na nakalap mula pa sa kolehiyo, may pagkakataon na nagkaroon ng dagok pinansyal,ito ang dahilan upang maging determinado sa pagtuturo. Ang grade 7b, na nagmulat sa akin na maging laging handa sa pagtuturo, ang grade 7c na nagsubok kung paano hubugin ang kanilang kakayahan, grade 9a na nagbigay pagod sa aking pagkatao,dulot ng kawalang halaga ko bilang guro sa harap nila at huli ang grade 9b na nagpuno ng kakulangan ng grade 9a, naramdaman ko ang pagmamahal ng mag-aaral sa isang guro na alam nilang itoy gurong nagsasanay.
Ang lahat ng karanasang ito ang nagkitil ng aking kahinaan tungo sa pagkamit ng tagumpay. Ika nga anu mang pagsubok ang dumating ay malagpasan rin kung may paninindigan na dapat nating gawin. Dahil sa dagok, pagsubok, karanasan na nagbigay payo kung paano makatayo ng mag-isa na napagtanto ko sa huli na narito na ako ngayon sa katagang isang ganap na guro. Ang lahat ng hindi alam ay walang sanggubnian kundi kong may pinag-aralan ay masasagutan, iyan ang buhay “kolehiyo”
Ano mang makamit at nakamit ko, alam kong ako’y wala rito kong hindi ko kasama ang Diyos na lumikha ng lahat ng mayroon ako.:)
Maam tin
SAGRADA FAMILIA HIGH SCHOOL
Minalabac, Camarines Sur
Summary of Accomplishment
A/Y 2015-2016
December 2015
Started the Off-Campus Teaching
Prepared Daily Lesson Plan
Used E-Class Record with the new grading system
Assisted the daily flag ceremony
Prepared the daily attendance DepEd school form 2 for grade 7B, 7C, 9A & 9B
Attended and Participated in the General Christmas Party and Paraffle
January 2016
Prepared Daily Lesson Plan
Used E-Class Record with the new grading system
Assisted the daily flag ceremony
Prepared the daily attendance DepEd school form 2 for grade 7B, 7C, 9A & 9B
Prepared the 3rd quarter test paper and Table of Specification for 7B, 7C, 9A & 9B
Assisted in the 3rd quarter recognition
Assisted the Homeroom PTA meeting
February 2016
Prepared Daily Lesson Plan
Used E-Class Record with the new grading system
Assisted the daily flag ceremony
Prepared the daily attendance DepEd school form 2 for grade 7B, 7C, 9A & 9B
Assisted in Arts Festival
Conducted the Final Demonstration Teaching
Conducted the Classroom Structuring








